Diario De Manila | Kakaiba ang Petron Turbo Diesel: Mas Malakas, Mas Matipid! | Kilala ang diesel engine na matibay, matipid sa konsumo, at malakas ang hatak. Subalit hindi magkakapareho o magkakapantay ang lahat ng diesel. Mas naka-aangat ang Petron Turbo Diesel bilang isang premium na produktong petrolyo na gawa ng nangungunang kumpanya ng langis sa Pilipinas. Ito ay sadyang ginawa upang mas mapaganda ang takbo ng inyong sasakyan at mas makatipid pa.
Ilabas ang Nakatagong Lakas ng Inyong Diesel Engine
Maraming may-ari ng diesel na sasakyan ay hindi alam ang natatagong lakas at kaakibat na efficiency na taglay ng kanilang makina. Ang Petron Turbo Diesel ay sadyang dinisenyo upang mailabas ang potensyal na ito. Ang advanced additive package nito, kasama ang mas mataas na cetane number kaysa regular na diesel, ay nagdudulot ng mas mahusay na fuel ignition na nagreresulta sa:
- Mas Malakas na Hatak: Mararamdaman mo agad ang kakaibang hatak ng iyong sasakyan. Mas suwabe at mas madali itong umarangkada at umahon sa mga paakyat na daan, kahit mabigat ang karga.
- Mas Mabilis ang Response: Mas kaaya-aya ang pagmamaneho dahil sa mas maliksi ang makina, kaya’t ramdam mong mas ligtas, mas maayos, at mas komportable ang biyahe.
- Mas Tahimik ng Makina: Ayon sa mga nakagamit nito, naging mas tahimik at mas pino ang takbo ng makina pagkatapos nilang lumipat sa Petron Turbo Diesel.
Tunay na Pagtitipid sa Konsumo
Sa panahon ngayon, hangarin ng marami sa atin ang makatipid sa konsumo ng sasakyan. Dahil mahusay ang combustion process ng Petron Turbo Diesel, nakatitiyak kang nasusulit ang bawat patak nito. Napatunayan ng mga field test na kayang itaas ng 16% ang fuel efficiency nito kumpara sa regular na diesel. Kung kukwentahin kung magkano ang matitipid ninyo sa pagpapakarga sa loob ng isang taon, lalo na kung kayo ay bumabiyahe araw-araw, mapatutunayan ang bisa ng Petron Turbo Diesel.
Mas Malinis, Kaya’t Mas Magtatagal Ang Makina
Komplikado ang diesel na makina, at kailangan ito ng tamang pangangalaga para tumakbo ng maayos. Ang Petron Turbo Diesel ay may mga cleaning agents na nag-aalis ng nga nakakapinsalang depositong namumuo sa loob ng makina. May mga additives ito na pinipigilan ang pagbara ng mga injectors at sinisigurong maiiwasan ang iba pang problema sa makina. Pinapanatiling mas malinis ang makina ng Petron Turbo Diesel, kaya’t di lamang mas maayos ang takbo nito kundi mas tatagal din, at iwas gastos sa pagkukumpuni ng mga sira.
May Malasakit sa Kalikasan
Bagama’t kilala ang mga diesel na sasakyan na mas matipid ang konsumo, sila ay pinagmumulan din ng mas mataas na emisyon na nakakapinsala sa kalikasan. Sa advanced na formula ng Petron Turbo Diesel, mas nababawasan ang pollutants at nakatutulong pa na mapangalagaan ang kalikasan.
Sino ang Makikinabang sa Petron Turbo Diesel?
Ang Petron Turbo Diesel ay nagdudulot ng benepisyo sa lahat ng Pilipinong driver na nagmamaneho ng diesel na sasakyan, katulad ng:
- Mga Turbocharged Engine: Kung ang kotse ninyo ay may turbocharged na diesel engine, mabisa ang Petron Turbo Diesel upang mapakinabangan ang performance at maprotektahan ang mga sensitibong piyesa nito.
- Mas Lumang Diesel Engine: Kahit ang mga lumang diesel engine ay mabibigyan ng panibagong buhay ng Petron Turbo Diesel. Dahil nililinis nito ang makina, naibabalik ang nawalang lakas at katipiran sa konsumo.
- Mga Malalaking Sasakyan na May Mabibigat na Kargada: Ang Petron Turbo Diesel ay subok na makakapagbigay ng malakas na hatak kahit na mabigat ang kargada at puno ang sasakyan. Madalas itong ginagamit ng mga punong bus, at mga truck na nagdadala ng gulay at prutas sa matatatarik na rehiyon ng Cordillera Administrative Region (Benguet, Kalinga, Mountain Province, atbp.)
- Mga Pangkaraniwang Driver: Ikaw man ay papasok sa trabaho, naglalakad ng mga gawain o babiyahe ng malayo, mararamdaman mo ang bisa ng patuloy na pagkarga ng Petron Turbo Diesel.
Subok na Track Record
Idinaan ang Petron Turbo Diesel sa malawakan at makatotohanan na mga pagsubok, kung saan napatunanay ang bisa nito sa pagpalakas ng hatak, pagpabuti ng konsumo, at pagbabawas ng emisyon. Ang positibong feedback ng mga nasiyahan na driver ay patunay ng performance at value nito. Panoorin ang YouTube video kung saan pinapakita ang karanasan ng mga ordinaryong driver na gamit ang Petron Turbo Diesel.
Mamuhunan sa Kinabukasan ng Inyong Diesel na Kotse
Isang uri ng pamumuhunan ang pagbili ng tamang diesel na kinakarga sa iyong sasakyan, upang makatiyak sa ganda ng takbo nito at mapalawig ang buhay nito. Higit pa sa andar lang ng sasakyan, and Petron Turbo Diesel ay nagbibigay lunas sa mga pangangailangan ng mga makinang diesel. Subukan ninyo, upang maranasan ang pagbabago na maidudulot nito sa inyong sasakyan at bulsa.
