Alex Castro all out support kay Sunshine Garcia at Gov. Daniel Fernando | Nakaka tuwa ang mag-asawang Alex Castro at Sunshine Garcia: full support nila ang isa’t Isa.
Vice governor ng Bulacan si Alex habang Sexbomb member at producer naman si Sunshine. Sa FB post ni Alex, sinabi nito na bahala muna si Sunshine sa pamilya (money matters) dahil ang ido-donate nito ang sweldo nya sa mga Bulakenyo na sobrang apektado ng kahirapan dahil economic crisis at sa lumalalang giyera sa Middle East.
Dagli namang sumagot si Sunshine na siya na nga ang bahala dahil malaki at kumikita ito sa matagaumpay na raket ng Sexbomb sa kanilang Sexbomb Rewind concert series.
Sa recent courtesy call ng PMPC sa Bulacan, inamin ni Alex na sobrang saya na makitang masaya ang kanyang asawa sa pagbabalik-career nito.

Vice Gorbernor Alex Castro
“Nakita ko ‘yung saya sa asawa ko sa concerts. Maraming pinagdaanan ‘yung asawa ko. Nag-sacrifice siya katulad ng mga pangkaraniwang babae na naging nanay na iniwanan ang career para sa pamilya.”
“Kaya naman sobrang supportive ako. Tumatayo ako. Pumapalakpak ako at nagvi-video to capture her happiest moments during shows,” saad ni VG.
Aware din si Alex sa bashing at body-shaming sa kanyang asawa. “Naranasan n’yang ma-bash dahil [mataba] nga siya nung round one. Sabi ko, mas maganda na ‘yung kung anong normal mo at huwag i-pressure ang sarili para lang i-impress ‘yung mga tao.”
“Ganyan naman talaga ang nanay, ang babae. ‘Yan ‘yung normal na babae na [nagbabago ang weight]. Ang pinaka-importante ay nariyan pa rin ang talent niya. Magaling pa rin. Ginagawa niya ‘yung mahal n’yang gawin. Kaya wag na lang pansinin ang bashing, ” sey pa ni Alex.
Actor/singer din si Alex bago pumasok sa pulitika kaya alam din nya ang kalakaran sa showbiz: strike when the iron is hot na ngayon nga ay tinatamasa ng Sexbomb.
Kinamusta rin ng grupo ang political career nito. Tatakbo ba siya bilang governor sa 2028 lalo na at last term na si Daniel Fernando bilang governor?
“Nung pumasok ako sa politics — 23 years ago — wala akong kamag-anak sa politics. Nagsimula lang akong SK chairman ng isang maliit na barangay. Ngayon, pinakabatang vice governor. Unfair sa mga kababayans ko na pag-usapan ang governorship sa panahon ngayon na marami tayong pinagdaraanan.”
“Ang sa akin lang, kung anong ibigay ni Lord, I’m ready. Ito talaga ‘yung ibinigay ni Lord na mission ko. Hindi ko naman mararating ito kung hindi ako ginabayan ng mga tamang tao at isa na doon si Kuya Daniel. ” he ended.
Focus muna si VG sa kanyang trabaho at all-out-support sa kanyang gobernador.
“Mabait at mabuting tao si Gob Kaya mahal siya ng mga Bulakenyo,” pagkatapos nito.
